1. Sa aking pansariling assessment ay pasado ako sa Independent Skilled Visa. Ibig sabihin ba nito ay siguradong makakapasa ako sa Imigrasyon?

  2. Ako ay nagtatrabahong pansamantala sa Australya at may hawak na 457 visa. Gusto ng kumpanya na aking pinapasukan na ako ay sponsorin na permanente na. Pwede ba akong mag-apply ng permanent resident sa Australya?
  3. Ako ay may 10 taon ng hiwalay sa asawa. Kami ay ikinasal sa Pilipinas. Mula pa sa isilang ang aming nag-iisang anak ay hindi ko na siya nakita. Mayroon akong kinakasamang Australyano at gusto na naming pakasal. Pwede na ba akong pakasal sa kanya? Ako ay kasalukuyang narito sa Australya at may 457 Visa. Pwde ba akong mag-apply dito ng spouse visa pagkatapos ng aming kasal?

 

  1. Sa aking pansariling assessment ay pasado ako sa Independent Skilled Visa. Ibig sabihin ba nito ay siguradong makakapasa ako sa Imigrasyon?

    SAGOT:
    Ang pansariling assessment ay isang pasimulang pamamaraan lamang upang makalkula mo ang maaaring puntos na makuha mo sa Skilled Point Test. Bago ka maglodge ng visa aplikasyon kailangan mo munang mapasahan ang apat na panimulang patakaran.
    1. Kailangan munang maglodge ka ng aplikasyon at magkaroon ng positibong resulta sa okupasyon ( na nakalista sa Skilled Occupation List) mula sa Skill Assessing Autoridad sa Australya. Ang iyong napiling okupasyon ay naaayon sa iyong natapos, o/at karanasan sa iyong trabaho. Ang bawat Skill Assessing Autoridad sa Australya ay may kanya-kanyang patakaran at pamamaraan. Hindi dahil mayroon kang malaking karanasan sa iyong trabaho ay makakapasa ka na. Dapat mong malaman kung anu-ano ang kanilang patakaran at pamamaraan.

    2. Kailangan mo ring makapasa sa IELTS test. Ang score na iyong nakuha ay may katapat na puntos na naaayon naman sa kung anong klaseng visa ang iyong inaplayan, anong okupasyon, kung ikaw ba ay nag-aral o nagtrabaho sa Australya ng may dalawang taon, at iba pa.

    3. ··· Proficient: 7 sa bawat isa sa apat na component: Pagbabasa, Pagsusulat, Pagsasalita, Pakikinig

      ··· Competent: 6 sa bawat isa sa apat na component o Para sa mga taong may pasaporte ng Canada, New Zealand, United Kingdom, America, Ireland

      ··· Concessional Competent: 5.5 sa pagkahalatang apat na component ( Para sa mga aplikante sa Skilled Regional sponsored Visa. Kailangan ding magbayad ng English Education Charge)

      ··· Vocational: 5.5 sa pangkahalatang apat na component ( Para sa Trades at Employer Nomination skilled na aplikante)

      ··· Functional: 4.5 sa pangkahalatang apat na component. (Para sa mga aplikante na may natapos na degree, diploma at trade mula sa accredited na paaralan o unibersidad sa Australya; mga aplikante na nakapagtrabaho ng legal sa Australya ng may dalawang taon.


    4. Idad. Ang iyong idad ay hindi tataas sa 44 taong gulang.
      Karanasan sa Pangkasalukuyang Trabaho. Kailangan nagtatrabaho ka ng hindi kukulangin sa 12 buwan sa loob ng 24 na buwan bago ka magsubmit ng visa aplikasyon sa Imigrasyon. (Ito ay iba sa kailangang taong karanasan sa isang trabaho base sa patakaran ng bawat Assessing Autoridad sa Australya)
  2. Ako ay nagtatrabahong pansamantala sa Australya at may hawak na 457 visa. Gusto ng kumpanya na aking pinapasukan na ako ay sponsorin na permanente na. Pwede ba akong mag-apply ng permanent resident sa Australya?

    Ito ay mababase sa: Apat na panimulang patakaran na nabanggit ko sa unang sagot sa itaas. Maari kang mag-apply habang ikaw ay nasa loob ng Australya sa pamamagitan ng Employer Nomination Scheme.
  3. Ako ay may 10 taon ng hiwalay sa asawa. Kami ay ikinasal sa Pilipinas. Mula pa sa isilang ang aming nag-iisang anak ay hindi ko na siya nakita. Mayroon akong kinakasamang Australyano at gusto na naming pakasal. Pwede na ba akong pakasal sa kanya? Ako ay kasalukuyang narito sa Australya at may 457 Visa. Pwde ba akong mag-apply dito ng spouse visa pagkatapos ng aming kasal?

    Ang iyong kasal ay legal pa sa Pilipinas. Bago ka magpakasal sa kanya ay maaari mong gawin ang isa sa mga sumusunod depende sa kung gaano ka na katagal sa Australya.

    Kung ikaw ay may 12 buwan na patuloy na naninirahan sa Australya maaari kang mag-apply ng diborsiyo sa gobyerno ng Australya habang ikaw ay naririto. Kailangan mong sumangguni sa isang abogado na nagpapractice sa Australya.

    Kung wala ka pang 12 buwan na patuloy na naninirahan sa Australya, kailangan mo munang mag-apply ng “dissolution of marriage on the basis of presumptive death” ng iyong asawa. Kailangan mong sumangguni sa isang abogado na nagpapractice sa Pilipinas.

    Kapag matagumpay mo nang nagawa ang isa sa mga nabanggit, maaari kang mag-apply ng spouse visa habang ikaw ay naririto sa Australya kung ang iyong 457 Visa ay valid pa.

    Kung kayo naman ay nagsasama na ng 12 buwan at higit pa, hindi kinakailangang gawin ang kahit isa sa mga nabanggit sa itaas. Kailangan na lamang magbigay ng mga ebidensiya sa kayo nga ay nagsasama bilang mag-asawa tulad ng renta sa bahay, bayad sa telepono, gaas, tubig, kuryente at account sa bangko na nasa pangalan ninyong dalawa. Kung wala ka ng ilan sa mga ito ay mayroon pang ibang ebidensiya na magpapatunay na ang inyong relasyon ay tunay, ekslusibo, at permanente at maaari ka nang mag-apply ng De-Facto Spouse Visa. Maaari ka ring sumangguni sa isang Rehistradong Migration Agent na may malawak ng karanasan sa Australyan Imigrasyon.

Read More ^

For further information on the above, please Contact us.